^

Probinsiya

Misis kinatay, mister nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Brutal na kamatayan ang sinapit ng 48-anyos na misis makaraan itong pagtatagain sa ulo at saksakin ng kaniyang mister na nag-suicide naman sa Barangay Osmeña, bayan ng Dangcagan, Bukidnon kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng Bukidnon PNP, kinilala ang napatay na misis na si Lolita Paler habang ang mister ay nagsaksak sa sarili ay si Tiburcio Paler, 52. Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan kamakalawa  ng hapon. Nabatid na sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa pagsasaksakin ng mister ang kanyang misis kung saan hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa sa ulo. Matapos paslangin ang misis, nagpakamatay si Teburcio na nagsaksak sa sarili. Sa inisyal na pagsisiyasat, nagseselos ang suspek dahil sa ayaw paawat ang kaniyang misis sa pagtratrabaho sa Cagayan de Oro City kung saan naghihinala itong nangangaliwa.

 

vuukle comment

BARANGAY OSME

BUKIDNON

DANGCAGAN

LOLITA PALER

MATAPOS

NABATID

ORO CITY

TEBURCIO

TIBURCIO PALER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with