PNP major, 1 pa dakma sa buy-bust
MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang tulak ng droga kabilang ang isang police major sa isinagawang operasyon sa Barangay Mawaque, bayan ng Mabalacat, Pampanga kamakalawa. Sa ulat ni PNP Regional Office 3 Director P/Chief Supt . Raul Petrasanta, kinilala ang mga suspek na sina P/Chief Inspector Julius Ceasar Ablan ng Aurora Provincial Police Office at nakatira sa Sta. Rosa City, Laguna; at Aiko Mallari ng Mabalacat, Pampanga. Bago ang operasyon ay nakatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa modus operandi ng mga suspek sa pagtutulak ng droga kaya inilatag ang buy-bust operation. Nasamsam sa mga suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na shabu (metamphetamine hydrochloride), cash money na pinagbentahan ng droga at mga drug paraphernalia.
- Latest