^

Probinsiya

Nurse utas sa pulis na ex-bf bago nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang bagitong pulis matapos nitong pagbabarilin at mapatay ang dating nobya na  balikbayang nurse sa bayan ng Tapaz, Capiz noong Linggo ng hapon.

Kinilala ni P/Inspector Leomindo Tayopon, hepe ng Tapaz PNP  ang napatay na nurse na si Jovelyn Pio, 26, nagtamo ng 3-tama ng cal. 9mm pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nagbaril naman sa kanang sintido si PO1 Jesus Farillon matapos patayin ang dating nobya.

Nabatid na si Pio ay nagbalik-bayan noong Biyernes (Agosto 15) mula sa ibang bansa bilang nurse.

Bandang alas-3 ng hapon kamakalawa, nang makatanggap ng tawag sa  telepono ang pulisya kaugnay sa naganap na krimen sa Barangay Taslan sa nasabing bayan.

Sa pahayag ng mga kapitbahay, apat na pu­tok ng baril ang kanilang narinig mula sa bahay ni Pio kaya inusisa nila at bu­mungad ang nakabulagtang katawan ni Farillon at ng dati nitong kasintahan.

Nabatid na nagtungo si Farillon sa bahay ng dati nitong nobya kung saan ayon sa teorya ng mga awtoridad ay nais pa rin ng pulis na ipagpatuloy ang relasyon sa dalaga pero tumanggi ang babae dahil nag-asawa na ito.

Lumilitaw din sa im­bestigasyon na matapos na barilin ng tatlong beses ang babae  ay saka nag-suicide ang nasabing pulis.

Napag-alaman pa na walong taong kasintahan ng nasabing pulis si Pio pero ng mag-abroad ito at dala umano ng matinding kalungkutan ay nag-asawa na ngayon ay buntis.

 

vuukle comment

AGOSTO

BARANGAY TASLAN

FARILLON

INSPECTOR LEOMINDO TAYOPON

JESUS FARILLON

JOVELYN PIO

NABATID

PIO

TAPAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with