^

Probinsiya

Road mishap: 2 utas, 4 pa sugatan

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

Camarines Norte, Philippines —  Dalawa katao ang  na­sawi habang apat pa ang nasugatan sa magkakahi­walay na sakuna na kinasa­sangkutan ng isang red plate (government vehicle)  sa lalawigan ng Camarines Sur kamakalawa.

Sa bayan ng Baao, dead-on-the-spot ang driver ng pedi­cab na si Renato Breboenria, 47-anyos may asawa at residente ng Brgy. La Medalla, Baao makaraang magbanggaan ang humaha­gibis na kulay itim na Nissan Patrol  SGM 653 (red plate) na pag-aari ng probinsya ng Leyte na minamaneho ni Darwin Kenneth Pesca, 36-anyos, may asawa at re­sidente naman ng Nova­liches, Quezon City. 

Sugatan naman ang tatlong pasaherong sakay nito na sina Peter Joseph Badong 29 anyos, Albert Rivera, 42 binata; pawang residente ng Brgy La Medalla at Jefferson Panlilio, 28 anyos na kasalukuyang ginagamot sa Rinconda Medical Center sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Tinangka pa ng suspek na tumakas subalit agad namang nasakote ng mga awtoridad  sa bahagi ng Brgy Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Sa isa pang insidente sa bayan ng  Milaor,  patay din ang isang 25-anyos na binata makaraang aksidenteng bumangga ang wonder bike nito sa kawayang bakod.  Sa bilis ng takbo ng kanyang red sunriser wonderbike at sa lakas ng pagkakabangga ay  tumilapon pa ang biktimang si Zaldy Absalon  ng Brgy Tariric, Minalabac, Camarines Sur at tumama pa ang ulo sa batuhan dahilan ng kanyang agarang kamatayan habang ang pinsan nito na kaniyang backrider na si Bryan Absalon, 25-anyos ay sugatang isinugod sa Bicol Medical Center.

vuukle comment

ALBERT RIVERA

BAAO

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY AGDANGAN

BRGY LA MEDALLA

BRGY TARIRIC

BRYAN ABSALON

CAMARINES SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with