^

Probinsiya

Dalagitang detainee, inilabas ng selda, hinalay ng bantay

Tina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - – Isang menor-de-edad na detainee ang umano’y dalawang beses na inilabas sa kulungan ng nakatalagang jail guard sa detention cell ng Silang  Municipal Police Station at dinala sa motel at doon hinalay kasabay nang pangakuang  palalayin noong buwan ng Mayo sa Cavite.

Ayon sa ipinadalang impormasyon, ang biktima na itinago sa pangalang Christine ay dinakip umano makaraang makuhanan ng drug paraphernalias noong nakaraang Abril at idinitene sa nasabing  himpilan.

Ayon kay Supt. Gil Torralba, hepe ng pulisya, kinilala  ang suspek na si PO1 Randy Mandolado Macariza, 33, na  nakatalaga  bilang jail guard sa himpilan ng pulisya sa nasabing lugar.

Sa ginawang imbestigasyon ni PO2 Cyril Blancaflor Reyes, Womens Desk ng Silang MPS, naganap ang natu­rang panghahalay sa biktima noong ikalawang linggo ng buwan ng Mayo, matapos umanong pangakuan ang biktima ng suspek na tutulungang makalaya kapalit ng pakikipagtalik.

Dahil sa kagustuhan ng biktima na makalaya ay pumayag ito kung kaya sumama ito sa Travellers Inn, By Pass Road hindi kalayuan sa naturang istasyon. Naulit ito sa ikalawang pagkakataon dalawang araw lamang ang pagitan  ng buwan ding iyon.

Nabatid na napilitan nang magsumbong ang biktima sa tiyahin makaraang hindi tuparin ang pangakong pagpapalaya sa kanya kasabay pa ang bantang pagpatay sa kanya kapag may nakaalam sa ginawa sa kanya ng suspect. 

Dahil  dito kaagad na isinailalim sa imbestigasyon ang kaso at kinuhanan ng sinumpaang salaysay ang biktima kaugnay na isinumite agad sa Cavite Provincial Fiscal Office sa ilalim ni Larry Escabero, noong July 4, 2014, Imus City, Cavite.

Inirereklamo rin ng tiyahin ng biktima si P/Chief Insp Torralba dahil sa pagpapakulong sa biktima sa kasong kinahaharap nito, gayong ito ay isang menor-de-edad na dapat ay nasa kustodiya ng DSWD.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BY PASS ROAD

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL FISCAL OFFICE

CHIEF INSP TORRALBA

CYRIL BLANCAFLOR REYES

DAHIL

GIL TORRALBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with