^

Probinsiya

Estudyante nakuryente, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalubong ni kamatayan ang 15-anyos na estud­yante na sinasabing sobra ang kakulitan matapos na aksidenteng makuryente habang kinakalikot ang poste ng kuryente sa paanan ng tulay sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si John Lowie Rosales, Grade VI pupil sa Mat-I Elementary School at nakatira sa Purok 3, Barangay Pinanaan. Sa ulat ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa eskuwelahan nang kalikutin nito ang linya ng kuryente na nakakabit sa poste sa ibabang bahagi ng tulay sa Purok 4 sa nabanggit na barangay. Bunga nito ay nahawakan ng biktima ang nabalatang linya ng kuryente kaya nagkikisay ito dahil sa malakas na boltahe ng kuryente. Kaagad namang iniulat ng mga batang estudyante na nakasabay ng biktima sa kaniyang mga magulang ang naganap na insidente.

 

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY PINANAAN

BUNGA

JOHN LOWIE ROSALES

KAAGAD

KINILALA

LAS NIEVES

MAT-I ELEMENTARY SCHOOL

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with