^

Probinsiya

Lider ng CPP-NPA tiklo sa island hopping

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsilbing bangungot ang isa sanang masayang island hopping matapos masakote  ng intelligence operatives ng militar at pulis­ya ang itinuturing na mataas na lider ng CPP- New People’s Army (CPP-NPA) habang nagliliwaliw  kasama ang kaniyang nobya sa beach resort ng Davao City, Davao del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ni Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command ang suspek na si Roy Erecre alyas Ka Toto/Pasyong, secretary ng Central Visayas Regional Committee ng CPP-NPA sa nasabing lungsod.

Si Erecre na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu Regional Trial Court ng Cebu  at Bohol  kaugnay ng pamamaslang  sa mga sibilyan at tropa ng militar sa Bohol noong 1990 at noong unang bahagi ng 2000 ay may patong sa ulo na P 5.4 milyon.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa presensya ni Erecre at ng kasintahan nitong si Judith Jaron-Niog na nag-island hopping sa magagandang beaches at mga lugar na dinarayo ng mga turista sa Davao.

Sa tala ng AFP si Erecre ang namuno sa ambush at pagkakapatay sa dalawang batang opisyal ng Phil Army na may mga apelyidong Lt. Que at Lt. Bungaos sa bayan ng Carmen, Bohol.

vuukle comment

BOHOL

CAPTAIN ALBERTO CABER

CENTRAL VISAYAS REGIONAL COMMITTEE

DAVAO

DAVAO CITY

EASTERN MINDANAO COMMAND

ERECRE

JUDITH JARON-NIOG

KA TOTO

NEW PEOPLE

PHIL ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with