^

Probinsiya

3 trabahador minasaker sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - – Tatlo-katao ang brutal na pinatay makaraang ratratin ng dalawang maskaradong lalaki sa bakanteng lote sa Barangay San Teodoro, bayan ng Bauan, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang tatlo na sina Andres Sta. Rita, 37; Isidro Peras, 39; at si Domingo “Joel” Marasigan, 32, pawang trabahador sa nasabing barangay.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Ins­pector Telesforo Domingo, hepe ng Bauan PNP, bandang alas-4:30 ng hapon habang sinusunog ng mga biktima ang mga copper wire sa bakanteng lote na pag-aari ni Hermie Atienza nang biglang dumating ang dalawang maskaradong lalaki.

Dito na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang tatlo matapos sumaklolo ang ilang residente.

Wala namang lumutang na testigo laban sa gunmen sa takot na madamay sa krimen.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng tatlong malalakas na kalibre ng baril habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANDRES STA

BARANGAY SAN TEODORO

BATANGAS

BAUAN

CHIEF INS

DITO

HERMIE ATIENZA

ISIDRO PERAS

TELESFORO DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with