^

Probinsiya

Magtiyahin nagtagaan, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa lupa kaya nagpatayan ang magtiyahin matapos ang mga itong magtagaan ng machete sa madugong duelo sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur noong Huwebes.

Kinilala ang mga namatay na sina Esterlita Tumunas, 44, ng Barangay Ma­nage; at Jeffrey Lantingan Tumunas, 23, naninirahan naman sa bayan ng Sta. Cruz. 

Sa ulat ni P/Senior Ins­pector Jeffrey Latayada, hepe ng Bansalan  PNP, naganap ang insidente sa Sitio Malipayon, Brgy. Managa bandang alas-6:30 ng umaga.

Galit na sinugod ni Jeffrey ang bahay ng tiyahin at kinompronta ito kaugnay sa pinag-aagawang lupain ng kanilang pamilya.

Sa pahayag ng isang testigo na kapitbahay ni Esterlita hindi nagkasundo ang magtiyahin na nagkasigawan pa at nagkasundong tapusin na ang problema sa pamamagitan ng duelo ng machete.

Agad na nagpanalubong ang magtiyahin na kaagad na napatay ang misis at bagaman nagawa pang makatakbo ng may  ilang metro ni Jeffrey  na tinamaan ang tiyan at dibdib ay bumagsak ito at namatay sa may basketball court.

Narekober sa crime scene ang dalawang machete na ginamit ng magtiyahin sa duelo.

vuukle comment

BANSALAN

BARANGAY MA

BRGY

ESTERLITA TUMUNAS

JEFFREY

JEFFREY LANTINGAN TUMUNAS

JEFFREY LATAYADA

SENIOR INS

SITIO MALIPAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with