^

Probinsiya

Mag-asawang trader pinatay

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Kapwa nasawi ang isang mag-asawang negosyante makaraang  pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang salarin sa kanilang tahanan sa Brgy. Pinagpanaan sa bayan ng Talavera, kamakalawa ng gabi.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Reynaldo dela Cruz, hepe ng pulisya rito, kay P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Director, nakilala ang  mga biktima na sina Alfredo Cuaresma, 68; at Eulalia Cuaresma, 61, ng nasabing lugar.

Ayon sa operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team, sampung saksak ng patalim sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Alfredo habang isang tama ng bala ng baril sa leeg na naglagos sa batok ang ikinasawi naman ng misis nitong si Eulalia.

Bandang alas-7:25 ng gabi nangyari ang insidente habang ipinaparada ni Alfredo ang kanyang motorsiklo sa likod-bahay nila. Malakas na ingay ang nalikha nang manlaban umano si Alfredo sa di kilalang salarin bago ito mapatay sa saksak.

Dahil sa ingay na nalikha sa matinding komosyon sa likod-bahay ay narinig ito ng asawa ni Alfredo at dali-daling tinungo iyon upang tingnan ang nangyari kung saan binaril naman ito ng salarin na agaran nitong ikinamatay. Iniim­bestigahan pa ang kasong ito.

vuukle comment

ALFREDO

ALFREDO CUARESMA

AYON

BANDANG

CRIZALDO NIEVES

EULALIA CUARESMA

NUEVA ECIJA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with