^

Probinsiya

Holdap: Driver patay; P.4-M tangay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 29-anyos na driver ng pribadong kompanya na may dalang malaking halaga na sinasabing patungong banko matapos itong pagbabarilin ng apat na lalaking holdaper sa Barangay Mahabang Parang, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng hapon.

Apat na tama ng bala ng cal. 9mm pistol ang tumapos sa buhay ni Anthony Lapore, tubong Negros Occidental at stay-in driver ng S-Flame Gas Refilling Corporation sa nasabing barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Daniel Ortega Jr., lulan ng Mitsubishi De­lica (RCJ 854) ang biktimang patungong banko sa Barangay Poblacion para idiposito ang P437,000 kinita ng nasabing kumpanya nang harangin dalawang motorsiklo na lulan ng apat na armadong lalaki.

Sa halip na huminto ay pinaharurot ng biktima ang minamanehong van kaya sunud-sunod na pinutukan siya ng apat na lalaki.

Dito na tinamaan sa ulo at katawan ang biktima kaya napahinto sa poste ng Me­ralco kung saan may ilang metro ang layo sa nabanggit na kompanya.

Kasunod nito, nilapitan ng mga holdaper ang biktima saka tinangay ang bag na naglalaman ng malaking halaga.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong ‘inside job’ ang pangunahing motibo sa krimen.

 

vuukle comment

ANTHONY LAPORE

APAT

BARANGAY MAHABANG PARANG

BARANGAY POBLACION

BULACAN

DANIEL ORTEGA JR.

MITSUBISHI DE

NEGROS OCCIDENTAL

S-FLAME GAS REFILLING CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with