^

Probinsiya

Brgy. chairman sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang brgy. chairman ang nasugatan matapos itong puntiryahin ng pamamaril ng apat na hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa ambush sa Brgy. Sumpotan, Dinas, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Henry Magsayo, 52 anyos, may-asawa, incumbent brgy. chairman sa naturang barangay na patuloy na nilalapatan ng lunas sa Pagadian City Medical Center sa tinamong tama ng bala sa kaniyang kaliwang balikat.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang insidente sa kahabaan ng national highway ng Purok Makopa, Brgy. Sumpotan, Dinas dakong alas-11:30 ng umaga ng biglang pagbabarilin ng suspek ang biktima na lulan ng motorsiklo pagsapit sa lugar na masuwerteng nakaligtas ng paharurutin ang sinasakyan. 

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang 19 basyo ng bala ng M14 rifle at patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DINAS

HENRY MAGSAYO

ISANG

PAGADIAN CITY MEDICAL CENTER

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK MAKOPA

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

SUMPOTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with