^

Probinsiya

2 guro ng CCFI kinidnap ng Sayyaf

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang guro ng Cha­rity Children Foundation Inc. (CCFI) ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga bandidong Abu Sayyaf sa panibagong insidente ng kidnapping sa bayan ng Lantawan, Basilan noong Miyerkules ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni Basilan PNP director P/Senior Supt. Mario Dapilloza ang mga binihag na sina Frederick Banot at Cherden Masong na kapwa teaching staff ng CCFI na isa sa non-government organization na nakabase sa nasabing lugar.

Nabatid na nagpapahinga ang dalawa sa staff house sa Sitio Wharf Panqasaan sa Barangay Tairan nang pasukin at kidnapin ng mga armadong lalaki.

Gayon pa man, walang nagawa ang dalawang biktima matapos na tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga kidnapers pasakay ng dalawang pumpboat.

“We are still investigating the case to identify the culprits but we are not discounting that it is the handiwork of the Abu Sayyaf Group,” pahayag ni Dapilloza

Bumuo na ng Crisis Ma­nagement Committee sa pamumuno ni Lantawan Mayor Rustam Ismael para sa pagpapalaya sa mga bihag.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY TAIRAN

BASILAN

CHERDEN MASONG

CHILDREN FOUNDATION INC

CRISIS MA

FREDERICK BANOT

LANTAWAN MAYOR RUSTAM ISMAEL

MARIO DAPILLOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with