^

Probinsiya

Military truck vs tricycle; 1 dedo, 4 pa sugatan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isa ang nasawi habang apat pa ang na­sugatan matapos na aksidenteng suwagin ng isang military truck  ang pampasaherong tricycle sa kahabaan ng bypass road sa bahagi ng Brgy. Cutcot, Guiguinto, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kaagad na nasawi sa pinangyarihan ng insi­dente ang biktimang si Ri­chard Vendevil 36, driver ng tricycle habang kaagad ding isinugod sa Guiguinto District Hospital ang mga sugatang sina Maricris Visconde, 25; Cpl. Ramil Pla­sedes 37, driver, Pvt. Uluveo Espijo, 25 at Pvt. Benito Quitoras 29, pawang mga nakatalaga sa First Scout Ranger Regiment na nakabase sa Brgy. Tartaro,San Miguel, Bulacan.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Modelo dakong alas 3:30 ng mada­ling araw ay kasalukuyang binabaybay ng limang convoy ng military truck ang kahabaan ng bypass road kabilang ang ten wheeler truck (SKF-932) na minamaneho ni Cpl. Plasedes patungo sa Maynila upang idagdag sa puwersa na mangangalaga sa nakatakdang SONA ni PNOY ng makabanggaan ang tricycle na RUSI 125 (5197-CA) lulan ang pasaherong si Vizconde.

Agad namang  nakipag-ugnayan ang pamunuan ng AFP sa mga kaanak ng biktima upang akuin ang responsibilidad habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente. Boy Cruz

 

vuukle comment

ARIEL MODELO

BENITO QUITORAS

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN

FIRST SCOUT RANGER REGIMENT

GUIGUINTO DISTRICT HOSPITAL

MARICRIS VISCONDE

RAMIL PLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with