^

Probinsiya

Nene ni-rape slay

Ramil Bajo - Pilipino Star Ngayon

KORONADAL CITY, Philippines –Karumaldumal ang sinapit na kapalaran ng isang 12 anyos na batang babae matapos itong halayin ay pinaslang pa ng magsasakang kaibigan ng kaniyang ama sa Norala, South Cotabato kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Vanessa Pagalinan, incoming Grade VI pupil sa pagbubukas ng klase sa Hunyo at residente ng Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Ayon kay Chief Inspector Jorge Parcon, hepe ng pulisya sa Norala, bandang alas-8 ng umaga ng ma­tagpuan ang bangkay ng biktima sa may palayan sa nasabing lugar.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na si Jory Tupaz, 19 anyos na inamin ang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkasama umanong umuwi ang biktima at ang suspek na inumaga matapos dumalo sa isang disco party sa isang purok sa kanilang lugar.

Gayunman nang mapa­dako ang mga ito sa madilim na bahagi ng lugar ay mistulang sinapian ng demonyo ang suspek nang biglang hablutin ang dalagita na puwersahan nitong hinalay.

Matapos makaraos hindi pa nakuntento ay pinaslang pa ng suspek ang biktima saka mabilis na tumakas. Inihahanda na ang pagsa­sampa ng kasong kriminal laban sa suspek.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CHIEF INSPECTOR JORGE PARCON

GAYUNMAN

HUNYO

JORY TUPAZ

NORALA

SOUTH COTABATO

VANESSA PAGALINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with