^

Probinsiya

15-anyos grinipuhan ng kalaro

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 15-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kapitbahay na 17-anyos dahil sa panghuhubo kamakalawa ng hapon sa Barangay Sta. Rosa, bayan ng Mulanay, Quezon. Pansamantalang itinago sa pangalang Mark Joseph ang biktima na nagtamo ng malalim na sugat sa katawan habang nasa pangangalaga naman ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang suspek na itinago rin sa pangalang Jason. Sa imbestigasyon ng Womens and Children Desk Section, dakong alas-2-30 ng hapon ay namataan ang dalawa na  nagkatuwaang naglaro ng habulan hanggang sa hubuin ng biktima ang suot na short ng suspek. Napahiya ang suspek nang kantyawan ito ng ibang kalaro hanggang sa umuwi at nang bumalik sinaksak ang biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY STA

BIKTIMA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KASALUKUYANG

MARK JOSEPH

MULANAY

NAPAHIYA

PANSAMANTALANG

QUEZON

WOMENS AND CHILDREN DESK SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with