^

Probinsiya

Jeepney vs poste: 4 patay, 2 sugatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Apat-katao ang iniulat na nasawi habang dalawa naman ang nasugatan matapos sumalpok ang pampasaherong jeepney  sa poste ng kuryente sa kahabaan ng highway sa Sitio Labac, Barangay Tranca sa bayan ng Talisay, Batangas kamakalawa.

Kabilang sa mga biktimang nasawi ay ang mag-asawang Maria Hernandez, 43; at Prudencio Hernandez, 47; sina Teresita Sanggalang, 46, ng Barangay Montana, Tanauan City, Batangas; at si Carmencita Padilla, 33; ng Barangay Tranca,Talisay, Batangas.

Sugatan naman sina Kate Pauleen Padilla, 7; at Hazel Anne Fajardo,18; kapwa nakatira sa Barangay Tranca at kasalukuyang ginagamot sa CP Reyes Hospital sa Tanauan City.

Ayon sa police report, binabagtas ng jeepney (DSX- 525) ni Gerardo Maige ang kahabaan ng highway nang mawalan ng preno pagsapit sa nabanggit na barangay.

Dito sinalpok ng jeepney ang poste ng kuryente saka inararo ang hanay ng punungkahoy bandang alas-3:35 ng hapon.

Dead-on-the-spot ang mag-asawang Hernandez habang idineklarang patay naman sa ospital sina Sanggalang at Padilla.

Mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injury si Maige na nakapiit ngayon sa Talisay PNP.

vuukle comment

BARANGAY MONTANA

BARANGAY TRANCA

BATANGAS

CARMENCITA PADILLA

GERARDO MAIGE

HAZEL ANNE FAJARDO

KATE PAULEEN PADILLA

MARIA HERNANDEZ

PRUDENCIO HERNANDEZ

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with