^

Probinsiya

Sanggol patay sa suntok ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang malakas na suntok sa mukha ang tumapos sa buhay ng isang buwang sanggol na lalaki matapos nitong saluhin ang kamao ng sadistang ama habang karga ng binubugbog nitong ina sa bayan ng Maayon, Capiz kamaka­lawa.

Sa panayam, sinabi ni Capiz Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Domingo Cabillan, naganap ang insidente sa isang bulubunduking lugar sa Brgy. Old Guia, Maayon ng lalawigang ito dakong alas-9 ng gabi.

Ang sanggol na kinilalang si Jay Osorio, ayon sa opisyal ay binawian ng buhay sa pagamutan sanhi ng tinamong malakas na suntok matapos na mamaga ang mukha ng munting anghel at namuo pa ang dugo.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na ngayo’y tugis ng mga operatiba ng pulisya na si Jerry Osorio, nasa hustong gulang.

Base sa inisyal na im­bestigasyon, lasing umanong umuwi si Jerry na inaway ang kaniyang  live-in partner na si Joyce Dipon, 30-anyos habang karga ng ginang ang 1 buwan nitong sanggol na kaniyang pinadedede.

Sa gitna ng pag-aaway ng mag-live-in partner ay sinapak ng malakas ni O­sorio ang nasabing ginang bunsod upang mabungian ito ng dalawang ngipin at halos hindi maimulat ang mga mata sa tinamong blackeye.

Ayaw umanong lubayan ng panununtok ng suspek ang ginang kung saan isa rito ay tumama sa kanilang anak na nangitim sa insidente at halos hindi na humihinga ng isugod sa pagamutan hanggang sa tuluyang bawian ng buhay ang sanggol.

vuukle comment

CAPIZ PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

DOMINGO CABILLAN

JAY OSORIO

JERRY OSORIO

JOYCE DIPON

MAAYON

OLD GUIA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with