^

Probinsiya

Mister nagbigti matapos patayin ang misis

Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti ang 27-anyos na mister matapos nitong barilin at mapatay ang kanyang misis sa Barangay Malusgod sa bayan ng Dueñas, Iloilo kamakalawa ng umaga.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang nakabiting katawan ni Ethan Solera sa punung manga malapit sa kanilang bahay sa Barangay Tina sa bayan ng Badiangan.

Ayon kay P/Insp. Bonifacio Alabe, hepe ng Duenas PNP, binaril sa ulo at napatay ni Ethan ang kanyang misis na si Hayren, 28, sa bahay ng kanyang biyanan sa Barangay Malusgod.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nagtungo sa Maynila si Hayren noong nakalipas na taon kung saan muling bumalik sa Iloilo makalipas ang ilang buwan.

Nabatid na si Ethan ang nagbigay ng pera para makauwi ang kanyang misis matapos magkasundo dahil sa kanilang anak na 4-anyos na babae.

Subalit sa halip na bumalik sa kanyang mister na si Ethan ay nakisama si Hayren sa ‘di-kilalang ka-textmate na sinasabing may-asawa rin. The Phil. Star News Service

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY MALUSGOD

BARANGAY TINA

BONIFACIO ALABE

ETHAN

ETHAN SOLERA

HAYREN

ILOILO

STAR NEWS SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with