^

Probinsiya

Lolo nilamon ng apoy

­Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Animo’y lechong baboy ang 69-anyos na lolo na natusta ng buhay matapos lamunin ng apoy sa kanyang taniman sa bayan ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya kamakalawa ng uma­ga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erlindo Solis, riteradong guro at nakatira sa Barangay Domang sa nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Raland Maejan, tinangkang apulahin ng biktima ang gumagapang na apoy mula sa katabing lote upang hindi madamay ang kanyang pananim nang bigla itong mawalan  ng malay dahil sa kapal ng usok at init. Agad na humingi ng tulong ang ilang residente para saklolohan ang biktima subalit biglang naglaho ito dahil sa kapal ng usok kung saan nang maapula ang apoy ay natagpuan na lamang ang bangkay nito na tustado.

 

vuukle comment

APOY

BARANGAY DOMANG

BAYAN

BIKTIMA

DUPAX DEL SUR

ERLINDO SOLIS

KINILALA

NUEVA VIZCAYA

RALAND MAEJAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with