^

Probinsiya

Ex-seaman hinoldap, dinedo ng tandem

Boy Cruz at Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines– Napas­lang ang 61-anyos na ex-seaman na sinasabing hinoldap at napaslang ng riding-in-tandem gunmen sa bayan ng Guiguinto, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Dalawang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Agapito Flavier ng Villa Presilla sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

Samantala, di-naman sinaktan ang kasamang pamangkin na si Elena Birol, 32, ng Barangay San Francisco, Bulacan, Bulacan.

Sa ulat ni PO1 Ervin Mac Melan, lumilitaw na nagtungo sa banko ang biktima, kasama ang pamangking si Birol para mag-withdraw ng malaking halaga sa banko sa Barangay Tabang.

Matapos makapag-withdraw ng P522,720 ay nagtungo ang magtiyuhin sa tindahan para magpa-photo copy ng ilang dokumento.

Habang naglalakad ang magtiyuhin ay hinarang at holdapin ng tandem kung saan hinablot ang bag ng biktima na sinasabing nag­lalaman ng malaking halaga.

Dito na nanlaban ang biktima kaya pinaputukan ito ng tandem kung saan duguang bumulagta.

Matapos makapag-withdraw ng malaking halaga ay tumawid ng kalsada ang magtiyuhin patungong Malolos City nang harangin ng riding-in-tandem.

Napag-alamang nakipag-agawan ang biktima kaya pinaputukan ito ng backrider kung saan du­guang bumulagta.

Sa footage ng closed-circuit television (CCTV), ang gunman ay nakamotorsiklo na tumakas sa direksyon ng Malolos City.

vuukle comment

AGAPITO FLAVIER

BARANGAY SAN FRANCISCO

BARANGAY TABANG

BIROL

BULACAN

ELENA BIROL

ERVIN MAC MELAN

MALOLOS CITY

MATAPOS

VILLA PRESILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with