^

Probinsiya

Kawatan utas sa kuryente

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Pinaniniwalaang nakuryente kaya namatay ang isang lalaki na sinasabing magnanakaw ng manok sa poultry farm sa Barangay Ocoy, Santa Fe sa Cebu noong Bi­yernes ng umaga. Kinilala ang nasawi  na si Marvin Reuyan ng Barangay Pablacion sa nasabing bayan. Bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng katiwala na si Tomas Batobalonos, 51, ang bangkay ng biktima sa nasabing farm.

Sa salaysay ng katiwala sa pulisya, si  Reuyan ay suspek sa pagnanakaw ng manok sa poulty farm noong Setyembre.

Naniniwala naman si Batobalonos na si Reuyan ay nagtatangkang muling magnakaw ng manok noong Biyernes subalit nakasalubong si kamatayan.

Ayon kay PO1 Isabelo Caracena, ang manukan na pag-ari ni Domingo Zaspa, 67, ay napapalibutan ng live wires dahil sa mga naglipanang magnanakaw.

Kasalukuyang hinihintay ng pulisya ang pamilya ni Reuyan para magsampa ng kaukulang kaso laban sa may-ari ng manukan habang nangako naman si Zaspa na sasagutin ang gastusin sa burol ng biktima. Freeman News Service

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY OCOY

BARANGAY PABLACION

DOMINGO ZASPA

FREEMAN NEWS SERVICE

ISABELO CARACENA

MARVIN REUYAN

REUYAN

SANTA FE

TOMAS BATOBALONOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with