Ex-US soldier nagoyo ng P.5M ng ka-chat
- Joy Cantos (The Philippine Star) - October 7, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nabulilyaso ang planong pagpapakasal ng 73-anyos na retiradong sundalong Amerikano matapos maloko ng Pinay na ka-chatmate sa facebook ng halos aabot sa P.5 milyon sa Bacolod City, Negros Occidental noong Sabado.

Nanlulumong dumulog sa Bacolod City PNP ang biktimang si Jun Welbur Alley upang ireklamo ang kaniyang girlfriend na si Carla Lopez, 27, ng Cottage Road, Barangay Mansilingan, Bacolod City.

Sa ulat ni P/Supt. Ricardo De la Paz na isinumite sa Camp Crame, ang nasabing Pinay ay nakilala lamang ni Alley sa Facebook noong September 2012.

Nabatid na niligawan ng biktima si Carla na sinasa­bing nagpakilalang single parent at mula noon ay palagi na silang nagcha-chat.

Mabilis namang nakipagkasundo ang biktima kay Carla na magpakasal at itinakda naman kahapon sa San Sebastian Cathed­ral sa nabanggit na lungsod.

Dito na hiningan ni Carla ng $12,000 (P492,000) na sinasabing ipinadala naman ng biktima sa pama­magitan ng money transfer para gastusin sa kanilang kasal partikular na sa reservation sa hotel at reception.

Gayon pa man nang dumating ang biktima sa Bacolod City noong Huwebes ay hindi niya matagpuan ang kasintahang Pinay sa address na ibinigay nito.

Dito na pinagtanong at hinanap ng biktima si Carla hanggang sumuko na sa paghahanap noong Biyernes at idulog ang insidente sa pulisya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni De la Paz na posibleng gumamit ng ibang larawan at pangalan sa Facebook accounts ang suspek kung saan ay inutusan na niya ang kapulisan na makipagkoordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang alamin kung tunay ang pangalang ginamit ng suspek sa social networking site.

BACOLOD CITY BARANGAY MANSILINGAN CAMP CRAME CARLA CARLA LOPEZ COTTAGE ROAD DITO FACEBOOK JUN WELBUR ALLEY PINAY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with