^

Probinsiya

3 holdaper arestado

- Boy Cruz - The Philippine Star

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines – Kalaboso ang tatlong pinaghihinalaang notor­yus na holdaper matapos na maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na o­perasyon sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Resty Villaruel, 23; Ferdinand Haloc, 21 at Ryan Carlo Feliciano, 21 ng Brgy. Gumaoc East na tinamaan ng bala sa hita matapos na manlaban sa mga awtoridad.

Base sa ulat ni P/Supt. Reniel Valones, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang holdapin ng mga suspek ang mga pasahero ng jeepney sa bisinidad ng Brgy. Sto. Cristo ng lungsod.

Habang nagsusuplong sa himpilan ng pulisya ay tinawagan ng isa sa mga biktima ang kinulimbat na cellphone at nagkunwa­ring tutubusin ang simcard nito sa halagang P5,000 na kinagat naman ng mga suspek na sina Haloc at Villaruel na inaresto ng mga nakaposteng pulis.

Samantalang ang suspek na si Feliciano ay nasakote naman habang nambibiktima sa terminal ng bus sa Brgy. Bagong Buhay II ng lungsod na tinamaan ng bala sa hita matapos na pumalag sa parak na nagkataong nasa lugar.

vuukle comment

BAGONG BUHAY

BRGY

BULACAN

CRISTO

FERDINAND HALOC

GUMAOC EAST

RENIEL VALONES

RESTY VILLARUEL

RYAN CARLO FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with