^

Probinsiya

Patayan sa basketball court

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON ,Philippines  — Kamatayan ang naging kapalit ng friendly basketball game sa Purok Masagana Landing matapos pagtulungang saksakin ng mag-utol ang isang 48-anyos na manlalaro sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon kamaka­lawa ng hapon. Idineklarang patay sa ospital si Diosdado “Dado” Atienza, habang tugis naman ng pulisya ang magkapatid na sina Michael Lachica, 30; at Richard Lachica, 35. Sa ulat nina SPO1 Alvin Evangelista at SPO1 Mario Riego, naglalaro ng basketball ang grupo ng mag-utol at biktima nang magpapalit ang suspek na si Michael sa isang kapitbahay. Umalma naman ang biktima dahil sa senglot ang suspek kaya pansamantalang umalis ito. Nang bumalik ang suspek ay biglang nilapitan nito ang biktimang naglalaro saka inundayan ng saksak kung saan pinagtatadyakan pa ng nakatatandang kapatid ng suspek.

vuukle comment

ALVIN EVANGELISTA

ATIENZA

BARANGAY IBABANG IYAM

DIOSDADO

LUCENA CITY

MARIO RIEGO

MICHAEL LACHICA

RICHARD LACHICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with