^

Probinsiya

Lolo pinagtataga, inilibing

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Humihinga pa nang ilibing  na halos ulo na lamang ang nakalitaw sa mababaw na hukay ang isang 65-anyos na lolo matapos itong pagtatagain ng kaniyang kainuman sa liblib na lugar sa Barangay Talisoy sa bayan ng Jomalig, Quezon noong Lunes ng umaga. Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang biktimang si Arnulfo Belda habang pinaghahanap naman ang suspek na si Gerry Litong. Lumilitaw sa imbestigasyon na noong Oktubre 30 ng gabi ay nakipag-inuman ang biktima kay Litong at isang Aye del Castillo pero naunang umuwi ang huli bandang alas-9 ng gabi. Nang maiwan ang biktima at suspek ay nagwala ito saka pinagtataga ang matanda na hindi pa nakuntento ay naghukay pa sa buhanginan at inilibing ang biktima pero dahil sa pagmamadali ay hindi natabunan ang parte ng ulo. Kaagad naman rumesponde ang pulisya matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa insidente.

vuukle comment

ARNULFO BELDA

BARANGAY TALISOY

GERRY LITONG

HUMIHINGA

JOMALIG

KAAGAD

KASALUKUYANG

LITONG

LUMILITAW

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with