^

Probinsiya

NPA attack: Sundalo, sibilyan utas

-

Manila, Philippines - Patay ang isang sundalo na miyembro ng Disaster Response Team (DRT) at isang sibilyan matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang sakay ng isang pampasaherong jeepney sa highway ng Brgy. Macawayan, Irosin , Sorsogon nitong Biyernes ng umaga.

 Kinilala ni Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Angelo Guzman ang mga nasawi na  sina Pfc Efren Salcedo, 28 taong gulang , kasapi ng Army’s 49th Infantry Battalion(IB) na kabilang sa naglikas sa mga residente sa bagyong Chedeng at ang sibilyang si Resureccion Mendones.

 Bandang alas -8:45 ng umaga lulan ng jeepney si Salcedo na kagagaling lamang sa disaster response duty nito patungo sana sa kalapit na resort para sa ika -2 taong kaarawan ng kaniyang anak ng pagbabarilin ng tatlong beses ng mga rebelde habang nakatalikod.

Nakabitaw sa sasakyan ang biktima at pagbagsak nito sa lupa ay binaril muli ng dalawang beses sa ulo kung saan minalas namang tamaan ng bala si Mendones na nasawi rin sa insidente.

vuukle comment

BANDANG

BIYERNES

BRGY

CHEDENG

DISASTER RESPONSE TEAM

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

PFC EFREN SALCEDO

RESURECCION MENDONES

SPOKESMAN MAJOR ANGELO GUZMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with