^

Probinsiya

Kriminalidad, anomalya umiiral sa Lucban

- Ni Michelle Zoleta -

(Ikatlong bahagi)

QUEZON,  Philippines – Tumindi pa ang isyu sa pagitan ni Mayor Villaseñor at Councilor Dator nang kuwestyunin ng huli ang pagtungo sa Singapore ng una kasama ang 22 barangay captain at ilang konsehal noong Setyembre 20-23, 2010 sa gitna ng ‘state of calamity’ alert ng Lucban, ayon na rin sa ipinasang Kapasiyahan ng Sangguniang Bayan noong Hulyo 15, 2010 dahil naapektuhan ng bagyong Basyang ang kanilang bayan.

Nilinaw ni Coun. Dator na hindi niya kinukuwestyon ang pi­­nan­syal na kapasidad ng mga barangay captain na nag-abroad, gaya ng pagkakaunawa ng mga kapitan sa kanyang pagkuwestyon.

Lamang, concerned si Coun. Dator dahil lumabag sa Ad­ministrative Order No. 6 of 2001 ang alkalde at ang mga kapitan sa probisyon, “foreign travel during emergency or crisis are prohibited.”

At ito’y lantarang pagpapakita ng impropriety sa tungkulin ng local chief executive, opinion ng ilang nakapanayam na taga-Lucban na “ang ginawa kaya nilang paglabas ng bansa ay isang forced evacuation? kasi iniwan nila ang bayan sa gitna ng kalamidad. Paano naman kaming naiwan dito sa Lucban?”

Dagdag pa dito ang nasaksihan ni Coun. Dator na iligal na paggamit ng sasakyang pampamahalaan na may red plate no. SFX  156, na sinasabing ginamit ng buong pamilya ng isang hepe ng tanggapan sa araw ng Linggo  patungong shopping mall at sa isang kainan sa Lucena City na may paglabag sa Administrative Order No. 239 “Prohibited Use of Gov’t Vehicle other than Official Business” na sa halip na disiplinahin ay sinasabing kinunsinti pa ng Punumbayan. Itutuloy

vuukle comment

0CM

ADMINISTRATIVE ORDER NO

CAMBRIA MATH

COUN

COUNCILOR DATOR

DATOR

FONT

LUCENA CITY

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with