^

Probinsiya

5 pulis, 2 pa sugatan sa road mishap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Limang pulis at dalawang sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok ang mobile patrol car sa puno ng acacia na nasa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Tagbayaon sa bayan ng Jiabong, Samar, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga naisugod sa Samar Provincial Hospital ay si PO2 Dennis Delorino, tatlo pa nitong kasamahang pulis habang sa Bethany Hospital sa Tacloban City naman si PO1 Reynaldo Gamay na nasa malubhang kalagayan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lulan ng Toyota Innova (SIX 982) na may body number (510) ang mga biktima patungo sa bayan ng Calbiga nang mawalan ng preno sa pakurbada at pababang bahagi ng highway saka sumalpok sa punongkahoy.

vuukle comment

BARANGAY TAGBAYAON

BETHANY HOSPITAL

CALBIGA

CAMP CRAME

DENNIS DELORINO

JIABONG

MAHARLIKA HIGHWAY

REYNALDO GAMAY

SAMAR PROVINCIAL HOSPITAL

TACLOBAN CITY

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with