^

Probinsiya

Australian student ni-rape

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Gumuho ang pangarap ng isang 16-anyos na estud­yanteng Australian national makaraan itong halayin nang makitulog sa bahay ng isa nitong kaibigan sa bayan ng Barili, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang si “Michelle”, 3rd year high school habang arestado naman sa follow-up operation ang suspek na kinilalang si Renan Fajardo. Batay sa salaysay ng biktima naganap ang panghahalay sa Bgy. Patupat, Barili, Cebu bandang alas-8 ng gabi noong Nobyembre 30. Sinabi ng biktima na hindi kaagad siya nakapagsumbong sa mga awtoridad dahil gulung-gulo pa ang isip ng dalagita. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakitulog ang biktima sa kaibigan nito kung saan nagising ito ng maramdamang may humihimas sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

Walang nagawa ang bik­tima matapos tutukan ng patalim ng suspek at saka halayin. Sinampahan na ng kasong kriminal ang sus­pek sa himpilan ng Ba­rili Police.

vuukle comment

BARILI

BATAY

BGY

CEBU

GUMUHO

LUMILITAW

LUMULUHANG

MICHELLE

NOBYEMBRE

RENAN FAJARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with