^

Probinsiya

Pamilya natabunan ng landslide

- Ni Victor Martin -

LAGAWE, Ifugao, Philippines — Isang bata ang nasawi ha­bang tatlong iba pa ang nasu­gatan matapos silang mata­bu­nan ng landslide dahil sa sobrang lakas ng ulan kama­kalawa sa bayan ng Banaue.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Romeo Licyayo, ang nasawi ay nakilalang si Jay­son Bantayan Ganggangan, 6-taong gulang, grade 1 pupil at nakatira sa Barangay Pa­litong View Point, Banaue.

Himalang nakaligtas na­man ang mga biktimang sina Dadaan, 70; asawa nitong si Isabel, 67, at apo na si Jayjay, 4 taong gulang.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon noong Miyerkules nang bu­muhos ang malakas na ulan sa bayan ng Banaue hang­gang sa magresulta ito sa land­slide at mata­bunan ang bahay ng nasabing pamilya.

Biglang lumambot ang lupa dulot ng malakas na ulan kaya gumuho ang lupa mula sa bun­dok at natabunan ang tahanan ng mga biktima.

Kaagad namang sumak­lolo ang mga kapitbahay at itinakbo ang mga biktima sa Good News Clinic subalit na­sawi si Jayson. Himalang na­ka­ligtas na­man ang 3 biktima at kasalu­kuyang nasa ligtas nang kalagayan sa pagamutan.

vuukle comment

AYON

BANAUE

BANTAYAN GANGGANGAN

BARANGAY PA

BATAY

GOOD NEWS CLINIC

HIMALANG

ROMEO LICYAYO

SHY

VIEW POINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with