^

Probinsiya

2 hayjaker ng oil tanker arestado

-

BULACAN , Philippines   — Dalawa sa tatlong kalalakihan na isinasangkot sa oil tanker hijacking sa McArthur highway sa North Luzon Ex­pressway ang inaresto ng mga awtoridad sa isina­gawang dragnet operation sa bisi­nidad ng Barangay Abagan Sur sa bayan ng Marilao, Bula­can kaha­pon.

Sumasailalim na sa tactical interrogation at pormal na kakasuhan ang mga sus­pek na sina Raymond Lo­pez, 24, ng Brgy. Iba O’Este at Randay Oca­nada, 31, ng Brgy. Cora­zon pa­wang sa bayan ng Ca­lumpit, Bulacan habang tugis naman ang lider ng grupo na si Ray­mond Do­min­guez na nag­maneho ng Mitsu­bishi Montero na may pla­kang ZSB-740.

Ayon kina P/Chief Insp. Julius Caesar Mana at P/Supt. David Poklay, ang grupo ng mga suspek ay sangkot sa panghahayjak ng oil tanker sa South Luzon Expressway noong Nob­yembre 27 kung saan dinala ang kargamento sa bayan ng Marilao, Bu­lacan.

 Napag-alamang din na sangkot ang grupo na nag­pa­panggap na mga pulis sa serye ng highway robbery sa North Luzon Expressway. Boy Cruz

vuukle comment

BARANGAY ABAGAN SUR

BOY CRUZ

BRGY

CHIEF INSP

DAVID POKLAY

IBA O

JULIUS CAESAR MANA

MARILAO

NORTH LUZON EX

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with