^

Probinsiya

2 niratrat ng MILF rebs

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan ma­karaang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalala­ki­­han sa kagubatan ng Ba­rangay Upper Paatan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Ron­nie Cordero, deputy chief ng Kabacan PNP, ang mga napatay na sina Arnie Cadiao at Mario Masabio na kapwa nakatira sa Purok Maligaya, Upper Paatan, Kabacan habang sugatan naman si Rey Masabio. 

Napag-alamang pina­sok ng mga biktima ang kagu­batan para hanapin ang utol ni Mario na si Franklin Ma­sabio na nang­huhuli ng ung­goy noong Huwebes.

Subalit sinalubong at niratrat sila ng mga arma­dong kalalakihan.

Nabatid na ang erya na pinasok ng mga biktima ay itinuturing na pinagku­ku­taan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Gayon pa man, hang­gang sa kasalukuyan ay hindi pa makita si Frank­ lin ng kanyang mga ka­anak. Malu Manar

vuukle comment

ARNIE CADIAO

FRANKLIN MA

KABACAN

MALU MANAR

MARIO MASABIO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PUROK MALIGAYA

SHY

UPPER PAATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with