^

Probinsiya

Superbisor itinumba

-

MANILA, Philippines - Napatay ang isang school supervisor makaraang pag­babarilin ng hindi pa nakila­lang dalawang armadong na­kamotorsiklong lalaki sa Ba­rangay Magsaysay, Bayam­bang, Pangasinan kamaka­lawa.

Nakilala ang biktima na si Rogelio Cayabyab na nag­tamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng ka­tawan bagaman hindi nasu­gatan ang kasama nito sa behikulo na si Vivian Palisoc.

Binabagtas ng Honda Civic na kotse na minama­neho ni Cayabyab at sina­sak­yan din ni Palisoc ang highway sa Ba­ rangay Mag­saysay bandang alas-5:30 ng hapon nang sundan at dikitan sila ng mo­torsiklo ng mga suspek.

Ipaparada sana ng bik­tima ang kaniyang sasakyan sa tabi ng daan para ibaba si Palisoc sa tapat ng tahanan nito nang pagbabarilin siya ng mga salarin. (Joy Cantos)

vuukle comment

BAYAM

BINABAGTAS

CAYABYAB

HONDA CIVIC

IPAPARADA

JOY CANTOS

MAGSAYSAY

PALISOC

ROGELIO CAYABYAB

SHY

VIVIAN PALISOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with