^

Probinsiya

Finance officer dedo sa P2.2 milyon holdap

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Napatay ang isang babaeng opisyal ng pulisya samantalang su­gatan naman ang kasa­ma­han nitong pulis maka­raang ratratin at holdapin ng mga armadong kala­ laki­han sa Calamba City, Laguna ka­ma­kalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Laxa, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Region 4-A, ang biktimang tinamaan sa ulo at dibdib na si P/Senior Insp. Divina Guinauli, finance officer ng Mimaropa (Mindoro, Marin­duque, Romblon, Palawan) regional police office.

Sugatan naman si PO3 Michael Barnuevo mata­pos tamaan ng bala sa paa at kasalukuyang nasa Ca­lamba Doctors Hospital.  

Napag-alamang nag-withdraw ng P2.2 milyon sa LandBank of the Phils. sina Capt. Guinauli at PO3 Bar­nuevo nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding assasins sa may ba­hagi ng Barangay Parian, Calamba City bandang alas-4:30 ng hapon

Lulan ang dalawang pu­lis sa kulay asul na Nissan Sentra (TKG-465) nang tambangan na may ilang metro lang ang layo mula sa nabanggit na banko.

Nabatid na ang mala­king halaga na natangay ay pambayad sa clothing allowance ng mga bagong rekrut at non-uniformed per­sonnel kabilang na ang combat pay ng mga pulis sa Mimaropa.

Nakarekober ang mga im­bestigador ng walong bas­yo ng bala ng cal. 9mm pistola mula sa crime scene.

Kabilang sa mga mi­yembro ng Task Group De­vine na binuo para tumutok sa kaso ay ang CIDG, Ca­lamba PNP, Laguna PNP, Scene of the Crime Operatives, Regional Special Operations Group (RSOG) at ang Regional Intelligence Office (RIO). Dag­dag ulat nina Ed Amo­roso at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY PARIAN

CALAMBA CITY

CHRISTOPHER LAXA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP REGION

DIVINA GUINAULI

DOCTORS HOSPITAL

ED AMO

JOY CANTOS

MICHAEL BARNUEVO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with