^

Probinsiya

Killer ng  tinedyer tugis sa Batangas

-

LIPA CITY, Batanga – Tugis ngayon ng pulisya ang isang hasykul student na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang tinedyer sa Lipa City, Batangas may dalawang buwan na ang nakakalipas.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arvin Delos San­tos, 19, 2nd year student sa Bolbok National High School at residente ng Barangay San Sebastian, Lipa City, Ba­tangas.

Sa ulat ni PO3 Reynaldo Valencia, si Delos Santos ay itinuturong responsable sa pagpatay kay Dexter Holgado,19, ng Barangay Bolbok at 3rd year College student ng Lipa Public Colleges.

Lumilitaw sa imbestigasyon, huling namataang magkakasama sina Delos Santos at Holgado kabilang na ang dalawa pang menor-de-edad sa may Villa Africa Subdivision sa Barangay Lodlod, Lipa City habang nanghuhuli ng bayawak noong Abril 2008.

Noong Huwebes ng Hunyo 12 ng hapon, natagpuan ang naaagnas na bangkay ni Delos Santos sa nabanggit na lugar matapos madiskubre ng mga residente malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Napag-alamang pinatay ni Holgado si Delos Santos sa pamamagitan ng pagpukpok ng bareta sa ulo matapos ang mainitang pagtatalo ayon na rin sa salaysay ng dalawang tinedyer na kasama ng suspek. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

ARVIN DELOS SAN

BARANGAY BOLBOK

BARANGAY LODLOD

BARANGAY SAN SEBASTIAN

BOLBOK NATIONAL HIGH SCHOOL

DELOS SANTOS

DEXTER HOLGADO

HOLGADO

LIPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with