^

Probinsiya

Doctor jobless, nag-suicide

-

CAMP OLIVAS, Pam­panga – Pinaniniwalaang kawalan ng mapapasukang trabaho bilang professional doctor ang isa sa motibo kaya nagbaril sa sarili at namatay ang isang 38-anyos na lalaki sa Ba­rangay Lourdes Sur sa Angeles City, Pampanga ka­maka­lawa.

Nakilala ang biktima na si Gregorio Gaerlan kung saan ang bangkay nito ay natagpuan kahapon sa palikuran ng kanilang ba­hay sa Natividad Street, sa naturang lugar

May tama ng bala ng .38 cal. sa ulo ang biktimang dalubhasang medical trans­cripitionist na naghahanap ng trabaho ngunit sa malas ay ‘di umano  mabigyan ng isa pang pagkakataon upang  magawa  ang dating propesyon.

Napag-alamang dating nagtatrabaho sa isang private hospital ang biktima na kamakailan lamang ay nagsarado kaya ninais niyang mag-aplay sa ibang hospital ngunit nabigo siya na matanggap.

Tinangkang hingan ng pahayag ng ilang reporters ang asawa ng biktima na si Regina Gaerlan hinggil sa pangyayari subalit tumang­gi itong magbigay ng impor­masyon. (Resty Salvador)

vuukle comment

ANGELES CITY

GREGORIO GAERLAN

LOURDES SUR

NAKILALA

NAPAG

NATIVIDAD STREET

REGINA GAERLAN

RESTY SALVADOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with