^

Probinsiya

Pulis dedo sa katiwala

-

Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 54-anyos na pulis makaraang burdahan ng saksak ng nakaalitang mag­sasaka na katiwala nito sa kaniyang bukirin sa Barangay Lalayug sa bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa.

Napu­ruhan sa likuran at tagilirang bahagi ng katawan, si SPO1 Benigno Lumela ng Cagayan Police Provincial Police Office, habang sumuko naman ang suspek na si Leonardo Narag, 52.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nagtungo ang biktima sa kaniyang bukirin at kinompronta ang katiwala na si Narag at humantong sa mainitang pagtatalo.

Gayon pa man, habang papaalis na ang biktimang pasakay sa kaniyang motorsiklo ay inun­dayan ng saksak ni Narag. Naisugod naman ang biktima sa Tuao District Hospital su­balit hindi na umabot ng bu­hay. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY LALAYUG

BENIGNO LUMELA

CAGAYAN POLICE PROVINCIAL POLICE OFFICE

CRAME

JOY CANTOS

LEONARDO NARAG

NARAG

TUAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with