Babae utak sa Gapo massacre
- Joy Cantos () - March 15, 2008 - 12:00am

Iniimbestigahan nga­yon ng mga awtoridad ang  po­sibilidad na isang mis­ter­yosong babae ang utak sa brutal na pagpatay sa modelo at Viva Hot Babe na si Scarlet May Garcia at sa tatlo pang katao sa condominium unit nito sa Olongapo City noong Hu­webes ng mada­ling-araw.

Lalong lumilinaw ang anggulo ng love triangle sa nasabing kaso kung saan ang misteryosong babae na dati umanong nakare­lasyon at inabandona na ng live-in partner ni Scarlet na si George Vitug Castro ang hinihinalang may pakana  sa krimen.

Bukod kina Garcia, 21 at Vitug, 28, kabilang pa sa nasawi sa insidente ay ang pinsan ni Scarlet na si Rachell Espacio, 20 at nobyo nitong si Van Mark Bandejas alyas Wacky, 22.

Ang bangkay ng mga bik­tima ay natagpuang nakagapos at may tama ng bala ng cal . 45 at cal 9 MM pistol sa loob ng na­sunog na Townhouse na nireren­tahan nina Scarlet at George sa 52 B Acacia St., Gordon Heights, Olongapo City bandang alas-3:25 ng madaling- araw.

Ayon kay Olongapo City Police Chief Sr. Supt. Abelardo Villacorta, bago umano naganap ang kri­men ay nakatanggap si George ng mga pagba­banta sa kaniyang buhay mula sa isang babae.  Pi­naniniwalaan ring paghi­higanti dulot ng matinding poot ang motibo ng sus­pek.

“May mga text messages na natanggap ang pamilya ni George na nag­sasabing uubusin ang pa­milya nila kung mapupunta lang si George kay Scarlet. Babae daw yung nagba­banta. Accordingly, may dating ka live-in si George na dati niyang katrabaho”, pahayag ni Villacorta.

Sa kabila nito, sinabi ni Villacorta na hindi rin nila inaalis ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo ng pagpatay sa mga biktima dahil bago ang sunog  dakong alas-2 ng ma­daling-araw ay dala­wang ‘di na­kilalang lalaki ang nakitang naghahakot ng mga ka­gamitan galing sa loob ng Townhouse pa­sakay sa isang nakapa­radang To­yota Vios na may plakang ZAJ -203.

Binuo kahapon ng Philippine National Police ang  Task Force Scarlet upang mapabilis  ang pagresolba sa krimen.

ABELARDO VILLACORTA B ACACIA ST. GEORGE VITUG CASTRO GORDON HEIGHTS OLONGAPO CITY SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with