^

Probinsiya

NBI bigo sa ‘Ex’ ni  Plinky Recto

-

PULUPANDAN, Negros Occidental –  Nabigo kahapon ang National Bureau of Investigation na matagpuan si Mayor Magdaleno Peña para isilbi rito ang kautusan ng Supreme Court na ibigay sa dati niyang asawang fitness expert at dating TV host na si Marie Roxanne ‘Plinky’ Recto.

Nakakandado ang bahay ni Peña sa Barangay Ubay nang magtungo dito ang mga tauhan ng NBI-Bacolod na pinangungunahan ni Officer-in-Charge Mamerto  Cortez at sinasamahan ng mga pulis.

Pinayagan lang silang pumasok sa loob nang tawagan ni Peña ang caretaker na si Dolly Iraga pero hindi natagpuan ang alkalde at anak nito.

Nilinaw naman ni Peña sa panayam ng mga reporter na hindi siya nagtatago at nagbabakasyon lang sila ng kanyang anak para sa darating na kapaskuhan.

Sinabi niya na nasa labas siya ng bansa pero ayaw niyang banggitin ang eksaktong lugar na kinaroroonan niya.

Nauna rito, kinatigan ng third division ng Supreme Court ang kahilingan ni Recto na isailalim sa kanyang pangangalaga ang kanyang anak.  (Antonieta Lopez)

vuukle comment

ANTONIETA LOPEZ

BARANGAY UBAY

DOLLY IRAGA

MARIE ROXANNE

MAYOR MAGDALENO PE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEGROS OCCIDENTAL

OFFICER-IN-CHARGE MAMERTO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with