^

Probinsiya

Bagong lava dome sa Mayon, namataan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bagong lava dome sa Mayon, namataan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Namataan kahapon ng umaga ng mga tauhan ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs)-Ligñon Hill Observatory Station sa lungsod na ito sa pa­ngunguna ng officer-in-charge (OIC) Doreen Abelinde ang namumuong bagong lava dome sa crater ng Mt. Mayon.

Noong Nobyembre 2-4 ay unang naobserbahan sa nakuhang satellite images ang pag-umbok ng crater floor ng bulkan.

Kahapon, sa pamamagitan ng close-up camera monitor ng observatory station ng Phivolcs sa Legazpi City ay nakita na ang namuong lava dome ng Mt. Mayon na nananatili sa alert level 3.

Sa loob ng 24-oras na obserbasyon ay naitala ng Phivolcs ang isang minor strombolian activity dakong alas-2:05 kamakalawa ng hapon; bagama’t bumaba sa 526 tonelada bawat araw ang ibinugang asupre, pero bilang tumaas sa bilang na 206 rockfall events; habang naitala naman ang 63 na bilang ng pyroclastic density currents o uson.

Kaugnay nito, mahigpit na nagbabala ang Phivolcs sa lahat hinggil sa pagpasok sa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone dahil sa panganob nito.

Binalaan din ang mga residente at lokal na pamahalaan ng mga bayan ng Guinobatan, Daraga, at Camalig sa malaking peligro ng uson, rockfalls, lava flows, at ashfall.

PHILVOCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with