^

Probinsiya

3 KFR todas; bihag nailigtas

- Joy Cantos -

CAMP CRAME – Tatlong kalalakihan na pinaniniwa­laang miyembro ng Sibuyas kidnap-for-ransom gang ang napatay ng mga awtoridad habang nailigtas naman ang kinidnap na Indian national sa naganap na madugong shoot­out sa Antipolo City, Rizal kama­kalawa ng gabi.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP Chief Director General Oscar Calderon, ang dalawa sa mga napatay na suspek na sina Ex-Army Technical Sgt. Amban Buhoy ng Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City at Troy Bello ng 1st Road, Bicutan, Taguig City.

Nakilala naman ang na­iligtas na negosyanteng Indian national na si Gurmukh Singh, 41, hinarang at dinu­kot habang sakay ng motor­siklo sa kaha­baan ng Fort Santiago St, sa Bago Bantay, Quezon City noong Linggo ng Agosto 19.

Ang biktima ay isinakay sa kulay pulang Mitsubishi Lancer  na may plakang PTS 639 na sinundan naman ng isang kulay puting taxi (PNC177) kung saan humi­ngi ng P 2-milyong ransom sa pamilya ni Singh.

Agad namang ini-report ng mga bystander sa pulisya ang insidente kaya inalarma ang buong  National Capital Region Police Office sa behi­kulong pinagsakyan sa bik­tima na nasundan hanggang sa pinagkukutaan sa Block 4B, Phase 1 Kingsville Royal, Ba­rangay Inarawan ng na­banggit na lungsod.

Base sa rekord ng pulisya, ang mga suspek ay sangkot sa pagdukot sa walong  ne­gosyante na karamihan ay mga Bumbay habang patu­loy naman ang hot pursuit operations ng pulisya sa iba pang mga nakatakas na kidnaper.

Matapos na makipagba­rilan at mapatay ng mga awto­ridad ang mga kidnaper ay nasam­sam ang tatlong ma­lalakas na baril, 13-piraso ng cartridge at ang Mitsubishi Lan­cer na ginamit sa pag­dukot sa biktima.

vuukle comment

AMBAN BUHOY

ANTIPOLO CITY

BAGO BANTAY

BANLAT ROAD

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with