^

Probinsiya

Nene na may kanser ni-rape

- Nina Dino Balabo at Joy Cantos -

BULACAN — Isang 9-anyos na bata ang ni-rape ng sariling ama sa kanilang bahay sa Malolos City, Bu­lacan, ayon sa ulat ka­hapon.

Nadiskubre ang krimen matapos na mapansin ng tiyahin habang pinaliliguan ang biktimang itinago sa pangalang Ella na nama­maga ang maselang bahagi nito.

Noong una ay umiiyak pa sa takot ang biktima ma­tapos ipagtapat sa tiyahin ang sinapit sa kamay ng sus­pek na si Ernesto “Ireneo” Periera, 47.

Sa salaysay ng bata, sinabi nito na dalawang beses na siyang ginahasa ng sariling ama na ang unang pangyayari ay noong Hulyo kung saan ay binan­taan siyang papatayin ka­pag ipinagbigay-alam sa kinauukulan ang krimen.

Dahil dito ay napilitang du­mulog sa pulisya ang tiya­hin ng biktima na nag­resulta sa pagkakadakip sa suspect na ngayo’y naka­kulong na sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan.

Sa alibi ng suspek, si­nabi nito na maaaring na­galit lamang sa kanya ang sa­riling anak dahil palagi niya itong pinagagalitan kaya siya ang pinagbibinta­ngang gumahasa dito na maaaring sulsol ng mga kasambahay.

Nabatid na ang biktima at mga kapatid nito ay nasa pangangalaga ng kanilang ama matapos silang iwan ng kanilang ina na nag­punta sa Mindanao dahil sa ma­dalas na pambubugbog ng suspek.

Lumitaw sa pagsusuri ng mga doctor na apat na buwan na lamang ang ita­tagal ang buhay ng biktima dahil nasa 4th stage na ang leukemia na taglay nito.

Kasalukuyan nang su­ma­sailalim sa counseling ang biktima sa ilalim ng De­partment of Social Welfare and Development.

vuukle comment

DAHIL

ELLA

ERNESTO

HULYO

SHY

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with