^

Probinsiya

Deposit slip inumit, bank officer arestado

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pinaniniwalaang may matinding panganga­ilangan ang isang bank officer na na­pa­ulat na inaresto ng pulisya matapos mahuli ng kanyang bank manager na nang-umit ng dalawang deposit slip na may malaking halaga noong Sabado ng hapon sa Los Baños, Laguna.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, ang suspect na si Julie Volante, 42, ng North Springville, Bacoor, Cavite at tumatayong reserve officer ng Planters Development Bank, Crossing branch.

Lumitaw sa inisyal na im­bestigasyon, bandang alas- 4 ng hapon, nagsasagawa na ng final accounting ng cash deposit ang bank manager na si Imelda Javing nang ma­diskubre nitong nagkulang ng dalawang deposit slip ang collection ng pera na may kabuu­ang ha­laga na P90,490.00

Dahil sa nadiskubreng discrepancy sa pananalapi, ma­bilis na ipinag-utos ni Javing sa kanyang security officer na magsagawa ng body search at halughugin lahat ang gamit ng mga kawani hanggang sa matag­puan sa bag ni Volante ang nawawalang deposit slip.

Mariin namang itinanggi ni Volante, ang mga para­tang pero sasampahan pa rin siya ng kasong qualified theft.

Napag-alamang si Vo­lante ay nakulong ng dala­wang gabi sa Los Baños police station bago ito nakapag­piyansa ng P12,000 noong Lunes para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

FELIPE ROJAS

IMELDA JAVING

JR. LAGUNA

JULIE VOLANTE

LOS BA

NORTH SPRINGVILLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with