^

Probinsiya

29 nalason sa buko salad

-
CAMP CRAME — Dalawampu’t siyam-katao ang iniulat na nalason makaraang kumain ng kontaminadong buko salad sa birthday party sa Barangay Calumangan, Bago City, Negros Occidental kamakalawa. Sa kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang mga pangalan ng biktima na magkakahiwalay na isinugod sa pagamutan sa nasabing bayan. Matapos na makapagpahinga ng ilang oras kung saan ang ilan ay naka-dextrose ay agad naman pinauwi ang iba habang may mga naiwan pa rin sa mga ospital. Lumabas sa pagsusuri ng mga doctor na kontaminado na ang buko salad na kinain ng mga biktima. (Edwin Balasa)
ISAFP agent itinumba
BALIUAG, Bulacan — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang confidential agent ng Intelligence Services of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa bayan ng Baliuag, Bulacan, isang araw matapos mangako ang bagong provincial police director na pipigilan niya ang kriminalidad sa nasabing lalawigan. Kinilala ni PO3 Robert Reynoso, ang biktima na si Benjamin Bajet, 56, ng Barangay Sullivan, Baliuag. Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo ang biktima at tinatahak ang kahabaan ng Rose Street nang dikitan ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo. Sunud-sunod na alingawngaw ng putok ng baril at duguang bumulagta ang biktima. Sinilisip ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang krimen. (Dino Balabo)

vuukle comment

BAGO CITY

BALIUAG

BARANGAY CALUMANGAN

BARANGAY SULLIVAN

BENJAMIN BAJET

BULACAN

DINO BALABO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with