^

Probinsiya

Mag-aaral nasalpok ng sasakyan

-
BATAAN – Maagang kinarit ni kamatayan ang isang batang babae makaraang masalpok ng Toyota Revo habang tumatawid patungo sa eskuwelahan sa Barangay Bilolo, Orion, Bataan kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa St. Michael Hospital ang biktimang si Angela Loberino, 8, grade 2 sa Bilolo Elementary School. Kasalukuyan naman nakapiit sa himpilan ng pulisya ang drayber ng sasakyan na si Jessie Nisay ng Cupang West, Balanga City. Ayon kay SPO3 Deo Vicmudo, tumawid ang biktima sa kahabaan ng Roman Highway patungo sana sa nasabing paaralan nang biglang mahagip ng Toyota Revo na may plakang XEE-472. (Jonie Capalaran)
2 mister dinedo ng kagalit
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang mister ang iniulat na pinaslang ng kanilang nakagalit sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Albay at Masbate kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Rolando Natividad, 37; at Jocito Soralta. Base sa ulat ng pulisya, si Natividad ay tinadtad ng bala ng malakas na kalibre ng baril ng mga nakaalitan at itinapon sa liblib na bahagi ng tubuhan sa Barangay Cotmon, Polangui, Albay. Samantalang si Soralta ay sinaksak ng suspek na si Joshua Francisco, 25, matapos na magtalo sa hindi nabatid na isyu sa Sitio Hilltop, Barangay Ambolong, Aroroy, Masbate. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ANGELA LOBERINO

BALANGA CITY

BARANGAY AMBOLONG

BARANGAY BILOLO

BARANGAY COTMON

BILOLO ELEMENTARY SCHOOL

CUPANG WEST

DEO VICMUDO

ED CASULLA

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with