^

Probinsiya

Txtmate pinutulan ng ari

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 23-anyos na factory worker ang duguang sumugod sa ospital matapos putulan ng ari ng isa sa dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang mister ng ka-txtmate ng una sa liblib na bahagi ng Barangay Banlic sa Cabuyao, Laguna kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ni P/Supt. Berni Barnalo, hepe ng Cabuyao PNP ang biktimang si Celso Espinosa ng Barangay Banlic sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ang pulisya, bandang alas-10 ng umaga nang makatanggap ng text message si Espinosa mula sa kanyang ex-girlfriend na nakilala lamang sa pangalang "Lilian" at imbitahin itong makipagkita sa harap ng bakeshop sa Barangay Mamatid sa nasabi ring bayan.

Mabilis namang tumugon si Espinosa sa ex-girlfriend at nagtungo sa napagkasunduang lugar.

Ilang sandali lang naghintay ang biktima sa naturang lugar, bigla nalang may dumating na kotseng Toyota na kulay maroon lulan ang dalawang kalalakihan at sapilitan siyang isinakay.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, itinali ng mga suspek ang kanyang mga kamay at paa bago dinala siya sa liblib na bahagi ng Barangay Banlic at pinagtulungang gulpihin.

Matapos gulpihin, pinutol pa ang ari ng biktima gamit ang nylon cord bago ito nagsitakas sa di pa malamang direksyon.

Nasambit pa ng isa sa mga suspek, ayon na rin sa salaysay ng biktima sa pulisya na kailangang putulin ang kanyang ari para hindi na makaulit sa ginawa nitong kasalanan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman kung may kinalaman ang asawa o mga kamag-anak ng kanyang ex-girlfriend sa naganap na krimen.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BANLIC

BARANGAY MAMATID

BERNI BARNALO

CABUYAO

CELSO ESPINOSA

ESPINOSA

ILANG

ISANG

KINILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with