^

Probinsiya

Dyip na may sanib

- Ni Maricel Pille Castillo -
(Huling bahagi)
TACLOBAN CITY – "Pa, uli ngadi balay hi kuya nalolorong" (Pa, uwi ka sa bahay, si kuya nababaliw), isang text message ang natanggap niya mula sa kanyang bunsong si Ivy. Mabilis siyang umuwi at nakakabinging katahimikan ang kanyang naabutan. Pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kanyang bahay, subalit wala doon ang kanyang mga anak. Papalabas na siya nang mapansin si Junjun na papalabas din. Tinawag niya ito, subalit parang wala itong narinig. Diretso nitong tinungo ang dyip. Kinakabahang sinundan niya ito. Nagulat pa ang ama nang makita ang dalawa niyang anak na babae sina Lynlyn at Ivy na nakagapos na animo’y baboy sa loob ng dyip, walang saplot at may takip ang mga bibig. Inundayan niya ng suntok ang kanyang panganay na anak at mabilis na kinalagan ang kanyang dalawang anak.

Hindi lubos-maisip ni Ruben kung bakit nagkaganoon ang kanyang panganay na anak. Ipina-drug test niya ito, subalit negative ang resulta. Wala itong bisyo. Alam na alam niya ang kilos ng kanyang mga anak. Ang pangyayari ay hindi na niya idinulog sa kinauukulan at alam niyang may mali siyang nagawa, iyon ang bilhin ang dyip. Mabilis siyang nagpasya na ibenta ang sasakyan.

Sa mga nagmay-ari sa dyip, iisa ang komon na napansin nila bago mangyari ang insidente: Kumikinang ang nakaukit sa manibela na eternal sex life at pagkatapos nilang masulyapan ang kinang nito nag-iiba ang kanilang pakiramdam. Nagiging hayok sila sa laman, kahit sino ang kanilang makita ay gustong tikman.

Sa ngayon, ang dyip ay napag-alamang dinala sa Kamaynilaan ng isang kamag-anak ni Ruben na may karatulang FOR SALE.

vuukle comment

ALAM

ANAK

DIRETSO

HULING

INUNDAYAN

KANYANG

MABILIS

NIYA

RUBEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with