^

Probinsiya

Dyip na may sanib

- Ni Maricel Pille Castillo -
TACLOBAN CITY – Kakaiba ang isang stainless owner-type dyip na may guhit na dalawang sungay sa kaliwang bahagi ng likuran nito, bughaw ang mga apakan sa loob, may itim na kurtina sa pintuan at may nakaukit sa manibelang "eternal sex life".

Abril 1995 nang mabili ni Ciriaco ang nasabing dyip sa halagang P.112 milyon mula sa isang auto shop sa Maynila. Ginawa niya itong service sa paghatid-sundo sa kanyang misis na guro sa bahagi ng Northern Barangay ng Pastrana, Leyte at sa kanyang apat na anak sa pinapasukang eskuwelahan. Pagkatapos ng kanyang trabaho bilang liaison officer sa isang pribadong kompanya sa Tacloban City ay matiyaga si Ciriaco na sunduin ang kanyang asawa’t mga anak.

Isang gabi habang pauwi na siya sa kanilang bahay, kasama ang kanyang panganay na itinago sa pangalang Cherry ay nakaramdam si Ciriaco ng alinsangan. Pagsulyap niya sa rearview mirror bumakat ang kakaibang init sa kanyang katawan nang mapansin ang maputing legs ng kanyang anak na lumuwa sa mahabang slit na suot nito. Bigla niyang ipinara ang sasakyan at tila nawawala sa katinuan na pinagmasdan ang 19-anyos na anak. Himbing na himbing si Cherry sa pagtulog dala marahil ng pagod mula sa dinaluhang birthday party ng isang kaibigan. Mabilis niyang hinablot ang anak at wari hayok sa laman na pinaghahalikan ito. Isang matunog na sampal ang gumising sa kanyang katinuan. Luhaang nagtatakbo si Cherry palayo sa kanyang ama.

(Itutuloy)

vuukle comment

ABRIL

BIGLA

CIRIACO

GINAWA

HIMBING

ISANG

ITUTULOY

KANYANG

NORTHERN BARANGAY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with