^

Probinsiya

4 mag-iina nilamon ng tubig-baha

-
VILLANUEVA, Misamis Oriental — Masaklap na kamatayan ang sinapit ng apat na mag-iina makaraang lamunin ng tubig-baha ang kanilang bahay sa San Roque Village, Relocation Site sa Barangay Dayawan, Villanueva, Misamis Oriental kahapon ng madaling-araw. Narekober ang bangkay nina Marylose, 8; at Jessabel Yacuna, tatlong buwang gulang; subalit nanatiling hinahanap ang ina na si Annalyn at ang 2-anyos na si Jessamie. Ayon sa ulat, may sampung bayan pa ang naapektuhan ng malakas na buhos ng ulan kaya dumaloy ang tubig-baha partikular na sa mga gilid ng ilog kung saan nakatira ang pamilya Yacuna. (Mike Banos)
4-katao tiklo sa illegal fishing
LIMAY, Bataan — Apat na mangingisda ang iniulat na dinakip ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng sudsod sa karagatang sakop ng Barangay Wawa sa bayan ng Limay, Bataan kahapon. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Rodolfo Reyes y Santos, 63, may-ari at kapitan ng F/B Marilyn-R; Renato Santos, 43; Ernesto Medina, 54; at Larry Martin, 25, na pawang naninirahan sa Barangay Sagrada, Hagonoy, Bulacan. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gamit sa pangingisda at limang cooler na may iba’t ibang uri ng isda. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

B MARILYN-R

BARANGAY DAYAWAN

BARANGAY SAGRADA

BARANGAY WAWA

ERNESTO MEDINA

JESSABEL YACUNA

JONIE CAPALARAN

LARRY MARTIN

MIKE BANOS

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with